BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sabado, Marso 12, 2011

Japan Tsunami 2011


     Noong March 11, 2011 isang pangyayari ang yumanig sa buong mundo lalo na sa bansa ng Japan, tumama ang isang lindol na may lakas na 8.9 magnitude. Halos lamunin ng malaking tubig ang lahat ng bahayan malapit sa dagat.Libo-libo ang tiyak sa mamamatay sa ganitong sakuna. Ito ay isang pangyayari na siyang nagpapakaba sa ating lahat sapagkat unti-unti ng naniningil ang Inang Kalikasan sa ating pang-aabuso sa kanya.. Nagpapatunay na sa isang saglit maaari tayong kunin ng panginoon kung gugustuhin. Nakatatakot isipin na ang mga pangyayaring ito at may kinalaman sa mga prediksyon ni Nostradamus, na ang pagkagunaw sa mundo. Sa mga ganitong panahon tanging dasal at pananampalataya sa Poong Diyos ang siyang magliligtas sa atin, gayumpaman lagi tayong maging handa sa mga sakuna na pwedeng mangyari.Ang buhay ang maikli lamang kung iisipin, Live your life to the Fullest sabi nga nila. 

Miyerkules, Marso 9, 2011

Global Warming

Marahil nagtataka ka kung bakit malamig ngayong summer. Isa lang lang yan sa mga pangitain na ang mundong ating ginagalawan ay unti-unti nang nasisira. Panoodin ang video na ito para sa katotohanang nakatatakot na nagaganap sa ating mundo ngayon.

Linggo, Marso 6, 2011

Ikaw, Ako Tayo ang may Kasalanan


Ang mundo ang siyang ating naging tirahan, dito tayo namuhay at lumaki. Kung titignan mula sa kalawakan ay parang napakapayapa, ang hindi natin alam unti-unti na itong nasisisra. Dahil na rin sa ating kagagawang mga tao, sa maliit na nating mga paraan ng pagkakalat, ito ay nagiging daan sa pagkasira ng lupang ating kinatitirikan. Sabi nga nila, ang lahat ng bagay ay mayroong katausan pati ang ang mundong ating ginagalawan.